^

Bansa

Negosyante duda na sinsero si GMA na paikliin ang termino

-
Hindi naniniwala ang business community na talagang sinsero si Pangulong Arroyo na paikliin ang kanyang termino at magpatawag ng eleksiyon sa 2007.

Sa isang pulong balitaan na ginanap sa Sitio Fernandina sa Greenhills, San Juan kahapon sinabi ni Sergio Ortiz-Luis, Jr., chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na sa nababasa nilang body movements ni GMA ay malabo na putulin nito ang kanyang termino at mukhang hindi ito papayag na may umagaw o sumosyo sa kanyang kapangyarihan.

"President Arroyo’s attitude is do or die for the presidency. She will not let anybody rule her," paliwanag ni Luis Jr.

Pumayag si Pangulong Arroyo na magkaroon ng parliamentary elections sa 2007 kung mararatipikahan ng taumbayan ang Konstitusyon sa susunod na taon.

Mula sa kasalukuyang presidential ay gagawing parliamentary-federal ang porma ng gobyerno.

Dahil sa hakbang na ito ay mapuputol ang termino ni Arroyo at hanggang 2007 na lamang imbes na sa 2010.

Gayunman, tiniyak ni Speaker Jose de Venecia na kahit na magpalit pa ng sistema ng gobyerno at mahalal ang mga miyembro ng parliament kung saan magkakaroon na rin ng Prime Minister sa 2007 ay si Arroyo pa rin ang magiging pangulo ng bansa hanggang 2010.

"The senatorial and local elections will be transformed in a parliamentary elections by 2007. President Arroyo will still be the country’s president until 2010," pahayag ni de Venecia.

Ang plano ay napagkasunduan nina Pangulong Arroyo at dating Pangulong Fidel Ramos sa isang secret meeting nitong Lunes sa Makati City.

Nag-usap anya ang dalawa upang siguraduhin na magiging buo at matatag ang Lakas-CMD lalo na sa gagawing parliamentary elections. (Edwin Balasa/Malou Rongalerios)

ARROYO

EDWIN BALASA

LUIS JR.

MAKATI CITY

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ARROYO

PANGULONG FIDEL RAMOS

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

PRESIDENT ARROYO

PRIME MINISTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with