^

Bansa

GMA idedepensa ni Defensor sa people’s court

-
Si Environment and Natural Resources Secretary Mike Defensor ang siyang magdedepensa kay Pangulong Arroyo sa paglilitis ng People’s Court sa sinasabi nitong mga pagkakasala ng Pangulo.

Ayon kay Defensor, bagaman hindi kinikilala ng Malakanyang ang People’s Court bilang isang legal na lupon para maglitis ng mga kaso, minabuti niyang boluntaryong dumalo sa mga paglilitis nito para magharap ng mga ebidensiyang magpapatunay na walang sala ang Presidente.

Ang mga kasong lilitisin ng People’s Court ay pandaraya sa halalan, graft and corruption at paglabag sa karapatang pang-tao.

Itinakda ng People’s Court sa Nobyembre 8,9,15 at 16 ang mga pagdinig sa kaso at inimbita ang Presidente na magpadala ng kinatawan kung hindi ito dadalo sa hearing.

Si dating Bise Presidente Teofisto Guingona ang siyang mamumuno sa pagdinig sa mga kaso.

Kinuwestiyon ni Defensor kung bakit si Guingona ang mangangasiwa sa paglilitis gayong dati itong kaalyado ng Pangulo at pagkaraan ng halalan ay tumanggap pa ng posisyon sa Pangulo bilang Embahador ng bansa sa China.

Pinuna rin ni Defensor ang pagbibitiw ni Guingona sa puwesto matapos magkaroon ng krisis pampulitika ang administrasyon, gayundin ang pagdalo ng mga miyembro ng Hyatt 10 sa hearing para tumestigo sa People’s Court.

Sinabi ni Defensor na boluntaryo siyang kakatawan sa Pangulo sa pagdinig ng People’s Court dahil siya ang campaign spokesperson ng Presidente noong halalan ng Mayo 11, 2004. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

AYON

BISE PRESIDENTE TEOFISTO GUINGONA

COURT

EMBAHADOR

GUINGONA

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SI ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY MIKE DEFENSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with