P1,700 disability pension sa beterano iginiit

Hiniling kahapon kay Pangulong Arroyo na ipatupad ang P1,700 na buwanang disability pension sa mga beterano.

Sa inihaing house resolution no. 958 nina Rep. Tomas Dumpit (La Union) at Rep. Hermilando Mandanas (Batangas), dapat siguruhin ng gobyerno na mabibigyan ng sapat na benepisyo ang mga beterano at mga anak nito.

Anila, malinaw sa batas na pagsapit sa edad na 70 ay bibigyan ang mga beterano ng P1, 700 buwanang disability pension at P500 naman sa asawa at bawat menor de edad na anak.

Wika pa nina Rep. Dumpit at Mandanas, hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapatupad ang bahaging ito ng batas.

Ibinunyag pa ng dalawang kongresista na umaabot na sa P18,830,973.00 ang utang ng pamahalaan sa mga beterano dahil sa hindi naibibigay na benepisyo ng mga ito. (Malou Rongalerios)

Show comments