^

Bansa

Mga palaboy sa Caloocan sasagipin ni Recom

-
Binuo ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang City Task Force Sagip Kalinga upang tuluyan nang maialis sa kalye ang mga taong lumalaboy at naninirahan sa kalsada at gawin silang produktibong miyembro ng komunidad.

Sa kauna-unahang rescue operation na isinagawa ng task force mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng madaling-araw, tinatayang 280 palaboy ang nasagip sa kalsada.

Sa inisyung Executive Order 032-05, inatasan ni Echiverri ang task force na gumawa ng mga plano, programa, polisiya at panuntunan para tuluy-tuloy, malalim at sama-samang gawain para sa mga palaboy sa kalye.

Sinabi nito na ang dumaraming bilang ng mga palaboy, pulubi, namamalimos at batang kalye sa ilalim ng impluwensiya ng droga at bawal na gamot gayundin ang mga miyembro ng katutubo na ginawa nang kanilang tahanan at pagkakakitaan ang kalye, palengke, gilid ng department stores at iba pang pampublikong lugar ay kinakailangang alamin at solusyunan.

Idinagdag pa nito na ang pagdami ng kanilang bilang sa kalye at pampublikong lugar ay karaniwang nagdudulot ng krimen, problema sa trapiko at naghaharap sa mga palaboy sa masamang kalusugan at patuloy na pagbaba ng kanilang moralidad.

Pangungunahan ni Echiverri ang task force bilang chairman nito, habang si City Administrator Romeo Alcantara ang vice-chairman at si Secretary to the Mayor Russel Ramirez ang over-all coordinator.

BINUO

BIYERNES

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY ADMINISTRATOR ROMEO ALCANTARA

CITY TASK FORCE SAGIP KALINGA

ECHIVERRI

EXECUTIVE ORDER

HUWEBES

IDINAGDAG

MAYOR RUSSEL RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with