Una nang inireklamo ng isang Trinidad Lachica si Judge Rosabella Tormis dahil sa umanoy pag-abuso nito sa kapangyarihan ng iutos nito ang pagpapalaya kay Norma Domugho.
Si Domugho ay may kasong paglabag sa BP 22 o bouncing checks.
Nabatid na pinalaya ni Tormis si Domugho sa pag-utos lamang nito sa telepono at hindi sa pamamagitan ng isang release order.
Napatunayan ang pagsisinungaling ni Domugho matapos na sabihin nitong inilabas niya ang release order ng alas-7 ng gabi gayung alas-8 inaresto si Domugho.
Ang nasabing circumstantial evidence ay pinatotohanan naman ng arresting officer kung saan sinabi nito na walang release order at wala din umano itong blotter sa pulisya.
Ipinaliwanag pa rin ng korte na isang malaking pagkakamali ng personal na tanggapin ni Tormis ang piyansa ni Domugho gayung hindi awtorisado ang isang huwes na gawin ito.
Nabatid na bago pa man ang nasabing insidente ay walong ulit ng nasampahan ng kasong administratibo si Tormis. (Grace dela Cruz)