^

Bansa

Piyansa tinanggap ng abogado, suspindido

-
Isinailalim ng Korte Suprema sa anim na buwang suspension ang isang abogado dahil sa kasong gross misconduct makaraang tanggapin ang perang pampiyansa ng isang akusado.

Una nang inireklamo ng isang Trinidad Lachica si Judge Rosabella Tormis dahil sa umano’y pag-abuso nito sa kapangyarihan ng iutos nito ang pagpapalaya kay Norma Domugho.

Si Domugho ay may kasong paglabag sa BP 22 o bouncing checks.

Nabatid na pinalaya ni Tormis si Domugho sa pag-utos lamang nito sa telepono at hindi sa pamamagitan ng isang release order.

Napatunayan ang pagsisinungaling ni Domugho matapos na sabihin nitong inilabas niya ang release order ng alas-7 ng gabi gayung alas-8 inaresto si Domugho.

Ang nasabing circumstantial evidence ay pinatotohanan naman ng arresting officer kung saan sinabi nito na walang release order at wala din umano itong blotter sa pulisya.

Ipinaliwanag pa rin ng korte na isang malaking pagkakamali ng personal na tanggapin ni Tormis ang piyansa ni Domugho gayung hindi awtorisado ang isang huwes na gawin ito.

Nabatid na bago pa man ang nasabing insidente ay walong ulit ng nasampahan ng kasong administratibo si Tormis. (Grace dela Cruz)

CRUZ

DOMUGHO

IPINALIWANAG

JUDGE ROSABELLA TORMIS

KORTE SUPREMA

NABATID

NORMA DOMUGHO

SI DOMUGHO

TORMIS

TRINIDAD LACHICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with