^

Bansa

Manager ng Westin ipapatawag ng Senado

-
Nakatakdang ipatawag ng Senado ang general manager ng Westin Philippine Plaza Hotel sa Pasay City dahil sa pagtago nila kay dating Agriculture Undersecretary Jocelyn "Joc-Joc" Bolante habang isinisilbi ang subpoena para sa huli.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr., pinagpapaliwanag ng Senate committee on agriculture ang manager ng Westin kung bakit hinadlangan ng kanilang security personnel ang mga tauhan ng Senado na makapasok ng function room para ihain kay Bolante ang subpoena noong Oktubre 21 habang abala ito sa pagtitipon ng Rotary International.

Mahigit isang oras na hinarang ng hotel security ang committee staff ng Senado kaya nakatakas si Bolante at abogado lamang nito ang tumanggap ng subpoena.

Noong Miyerkules ay umalis patungong Amerika si Bolante kasama si dating Agriculture Secretary Cito Lorenzo.

Ang dalawa ay sabit sa P728 milyong fertilizer fund scam na sinasabing ipinamahagi ni Pangulong Arroyo sa mga kongresista, gobernador at mayor bilang suhol umano sa kanyang pagtakbo sa presidential elections noong 2004. (Rudy Andal)

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY CITO LORENZO

AGRICULTURE UNDERSECRETARY JOCELYN

BOLANTE

NOONG MIYERKULES

PANGULONG ARROYO

PASAY CITY

ROTARY INTERNATIONAL

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with