Daboy sinampahan ng kasong frustrated homicide
October 29, 2005 | 12:00am
Sinampahan kahapon ng kasong frustrated homicide sa Pasig Prosecutors Office ang action star na si Rudy Fernandez dahil sa pambubugbog, panunutok at pamamalo ng baril nito sa isang consultant sa loob ng opisina ng Viva Entertainment noong Martes sa Ortigas, Pasig City.
Dakong alas-3 ng hapon nang magtungo ang biktimang si Robert "Robby" Tarroza, 34, residente ng Unit 3524 Mega Plaza Condominium, ADB Avenue, Ortigas Center ng lungsod na ito sa Prosecutors Office upang pormal na maisampa ang demanda laban kay Fernandez.
Si Tarroza ay sinamahan ng kanyang matalik na kaibigan at dating aktor na si Joed Serrano na umuwi pa ng Pilipinas mula sa Japan upang magbigay-suporta sa kaibigan.
Sa panayam kay Tarroza, sinabi nitong wala nang urungan ang nasabing kaso at kahit sino pa ang mamagitan ay hindi niya ito pagbibigyan.
Matatandaang noong Martes ng gabi ay pinagsusuntok ni Fernandez, binutukan at tatlong beses pinukpok sa ulo ng baril si Tarrosa nang magkita ang dalawa sa opisina ng Viva Entertainment na matatagpuan sa Tektite East Tower, Ortigas Center ng lungsod na ito.
Sa isang panayam, itinanggi naman ni Fernandez na may dala siyang baril nang maganap ang insidente at sinabing cellphone lang umano ang kanyang ipinangpukpok sa biktima.
Subalit sinabi ni Tarrosa kahapon na mismong si Viva boss Vic del Rosario ang nakasaksi sa insidente at isang Zenaida Reyes na makapagpapatunay na baril ang pinangpukpok nito sa ulo. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended