Sinabi ni Echiverri na nararapat lamang na kilalanin ang ipinakitang kagitingan ni Gonzales sa harap ng kanyang mga kaaway at kamatayan dahil iilang tao lamang ang may kakayahang gumawa ng katulad sa kanyang ipinakita. Ayon sa alkalde, kinatawan ni Gonzales, 31, ang buong Caloocan City Police sa kanilang pagsisilbi sa mga mamamayan kahit ano pa ang mangyari sa kanila.
Nakipag-barilan si Gonzales sa dalawang miyembro ng robbery gang na umiikot sa kanilang subdivision. Napatay niya ang isa sa mga ito. Namatay ang pulis makaraan ang apat na araw sa ospital. Nagtamo siya ng anim na tama ng bala ng baril sa tiyan. Bagamat sugatan, nagawa pa ring mabaril ni Gonzales si Conrado Marcelo Jr., umanoy anak ng lider ng Kwatog Gang na si Conrado Sr.