^

Bansa

Financial assistance sa magiting na pulis-Caloocan

-
Bilang pagkilala sa kanyang katapangan, nakatakdang pagkalooban ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ng posthumous award si Police Officer 1 Joel Gonzales at P25,000 bilang pinansiyal na tulong sa kanyang naiwang pamilya.

Sinabi ni Echiverri na nararapat lamang na kilalanin ang ipinakitang kagitingan ni Gonzales sa harap ng kanyang mga kaaway at kamatayan dahil iilang tao lamang ang may kakayahang gumawa ng katulad sa kanyang ipinakita. Ayon sa alkalde, kinatawan ni Gonzales, 31, ang buong Caloocan City Police sa kanilang pagsisilbi sa mga mamamayan kahit ano pa ang mangyari sa kanila.

Nakipag-barilan si Gonzales sa dalawang miyembro ng robbery gang na umiikot sa kanilang subdivision. Napatay niya ang isa sa mga ito. Namatay ang pulis makaraan ang apat na araw sa ospital. Nagtamo siya ng anim na tama ng bala ng baril sa tiyan. Bagama’t sugatan, nagawa pa ring mabaril ni Gonzales si Conrado Marcelo Jr., umano’y anak ng lider ng Kwatog Gang na si Conrado Sr.

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CALOOCAN CITY POLICE

CONRADO MARCELO JR.

CONRADO SR.

ECHIVERRI

GONZALES

JOEL GONZALES

KWATOG GANG

POLICE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with