Ayon sa grupo, 471 na ang bilang ng mga napapatay sa kanilang hanay simula noong 2001 hanggang nitong Oktubre.
Umapela si KARAPATAN secretary general Marie Hilao-Enriquez sa liderato ng AFP at kay Defense Sec. Avelino Cruz na itigil na ang walang awang pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan na karamihan umano ay inaakusahang tagasuporta ng makakaliwang hanay o ng rebolusyonaryong kilusan.
Magugunitang matapos na patayin si Ricardo Ramos, union lider ng Hacienda Lusita, ay isinunod na itinumba sina Francisco Rivera, coordinator ng Bayan Muna kasama sina Dr. Angel David at Nemencio Maniniti sa Pampanga, at isa pang lider ng Anakpawis sa Ragay, Bicol.
Nabatid na si Palparan, commanding general ng Armys 7th Infantry Division sa Palayan City, Nueva Ecija ang pinararatangang utak umano ng pagpatay sa mga lider militante.
Itinanggi naman ni Palparan ang nasabing alegasyon at itinuro ang liquidation squad ng New Peoples Army. (Joy Cantos)