^

Bansa

Camp Aguinaldo sinugod ng mga militante

-
Sumugod kahapon sa Camp Aguinaldo ang may 100 militanteng grupo para igiit ang pagsibak sa puwesto ni Major Gen. Jovito Palparan at imbestigahan ang pagkakadawit umano ng mga tauhan nito sa walang kabuluhang pagpatay sa mga militanteng lider at manggagawa sa Central Luzon.

Ayon sa grupo, 471 na ang bilang ng mga napapatay sa kanilang hanay simula noong 2001 hanggang nitong Oktubre.

Umapela si KARAPATAN secretary general Marie Hilao-Enriquez sa liderato ng AFP at kay Defense Sec. Avelino Cruz na itigil na ang walang awang pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan na karamihan umano ay inaakusahang tagasuporta ng makakaliwang hanay o ng rebolusyonaryong kilusan.

Magugunitang matapos na patayin si Ricardo Ramos, union lider ng Hacienda Lusita, ay isinunod na itinumba sina Francisco Rivera, coordinator ng Bayan Muna kasama sina Dr. Angel David at Nemencio Maniniti sa Pampanga, at isa pang lider ng Anakpawis sa Ragay, Bicol.

Nabatid na si Palparan, commanding general ng Army’s 7th Infantry Division sa Palayan City, Nueva Ecija ang pinararatangang utak umano ng pagpatay sa mga lider militante.

Itinanggi naman ni Palparan ang nasabing alegasyon at itinuro ang liquidation squad ng New People’s Army. (Joy Cantos)

AVELINO CRUZ

BAYAN MUNA

CAMP AGUINALDO

CENTRAL LUZON

DEFENSE SEC

DR. ANGEL DAVID

FRANCISCO RIVERA

HACIENDA LUSITA

INFANTRY DIVISION

JOVITO PALPARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with