^

Bansa

FVR ipinagtanggol sa kudeta

-
Pinagdudahan ng Malacañang ang report ng US Embassy na may ikinakasang kudeta si dating Pangulong Fidel Ramos laban kay Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye, isang intriga ang naturang report at hindi dapat paniwalaan.

Base sa report, simula pa lamang nitong Pebrero 2005 ay balak na umano ni Ramos na patalsikin si Arroyo sa puwesto. Hiningi umano ni Ramos ang tulong nina dating Defense Secretary Fortunato Abat at dating National Security Adviser Jose Almonte kung saan binigyan nito si Almonte ng hanggang Hunyo ng taong ito para isakatuparan ang planong kudeta.

Dumalo pa raw si Ramos sa mga pagpupulong ng Federation of Retired Commissioned and Enlisted Soldiers na binubuo nina Almonte, Abat at ex-Budget Sec. Salvador Enriquez.

Itinanggi naman ni Abat ang report na nag-uugnay sa kanya sa coup plot. "I doubt that President Ramos will think about leading a coup d’etat. You know President Ramos is educated in America and he is more constitutional than radical," ani Abat.

Matatandaan na nanawagan si Ramos na paikliin ni Pangulong Arroyo sa anim na taon ang kanyang termino para bigyang daan ang pagbabago sa porma ng gobyerno. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)

vuukle comment

ABAT

ALMONTE

BUDGET SEC

DEFENSE SECRETARY FORTUNATO ABAT

FEDERATION OF RETIRED COMMISSIONED AND ENLISTED SOLDIERS

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT RAMOS

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with