Sa 80 pahinang desisyon ni Judge Marissa Macaraeg Guillen ng Branch 60, Makati City RTC, kinilala ang mga akusadong sina Rohmat Abdurrohim "alias Jacky o Zacky", isang Indonesian at miyembro ng Jemaah Islamiah; Gamal Baharan, alias Tapay at Angelo Trinidad, alias Abu Khali, kapwa miyembro ng bandidong Abu Sayyaf.
Bukod sa hatol na kamatayan, pinagbabayad din ng hukuman ng tig-P.4 milyon ang tatlong akusado para sa apat na nasawi at tig-P50,000 naman sa bawat sugatan.
Samantala, si Gappal Bannah Asali, alias Maidan o Boy Negro ay nakaligtas sa hatol matapos magsilbing state witness na lalong nagdiin sa tatlo.
Matatandaan na noong Pebrero 14, 2005 dakong alas-7 ng gabi, isang pagsabog ang naganap sa kahabaan ng Edsa, Ayala Avenue matapos taniman ng bomba ng mga akusado ang isa sa tatlong pampasaherong bus, ang RRCG bus. (Lordeth Bonilla)