^

Bansa

Bitay sa 3 V-Day bombers!

-
Matapos ang walong buwan, hinatulan kahapon ng parusang kamatayan ng Makati City Regional Trial Court ang tatlo sa anim na terorista kabilang ang isang Indonesian national na responsable sa Valentine’s Day bombing nitong Pebrero 14 na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat pa ng 103 sa nabanggit na lungsod.

Sa 80 pahinang desisyon ni Judge Marissa Macaraeg Guillen ng Branch 60, Makati City RTC, kinilala ang mga akusadong sina Rohmat Abdurrohim "alias Jacky o Zacky", isang Indonesian at miyembro ng Jemaah Islamiah; Gamal Baharan, alias Tapay at Angelo Trinidad, alias Abu Khali, kapwa miyembro ng bandidong Abu Sayyaf.

Bukod sa hatol na kamatayan, pinagbabayad din ng hukuman ng tig-P.4 milyon ang tatlong akusado para sa apat na nasawi at tig-P50,000 naman sa bawat sugatan.

Samantala, si Gappal Bannah Asali, alias Maidan o Boy Negro ay nakaligtas sa hatol matapos magsilbing state witness na lalong nagdiin sa tatlo.

Matatandaan na noong Pebrero 14, 2005 dakong alas-7 ng gabi, isang pagsabog ang naganap sa kahabaan ng Edsa, Ayala Avenue matapos taniman ng bomba ng mga akusado ang isa sa tatlong pampasaherong bus, ang RRCG bus. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABU KHALI

ABU SAYYAF

ANGELO TRINIDAD

AYALA AVENUE

BOY NEGRO

GAMAL BAHARAN

GAPPAL BANNAH ASALI

JEMAAH ISLAMIAH

JUDGE MARISSA MACARAEG GUILLEN

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with