Mayor SB pararangalan ng NPC

Nakatakdang tumanggap ngayong araw ng parangal si Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte mula sa National Press Club sa pagdiriwang ng kanilang ika-53 anibersaryo. Ang "Scrolls of Recognition" ay igagawad kay Mayor Belmonte bilang Golden Jubilarian sa isang simpleng seremonya na isasagawa alas-6:00 ng gabi sa NPC restaurant.

Alas-9 ng umaga ay isasagawa ng NPC Outreach committee sa pamumuno ni NPC treasurer Jimmy Cheng ang "Alay sa Puso Lugaw" feeding para sa mga bata, blood sugar testing sa NPC members ng Sugar Free Diabetes Club Inc. sa pamumuno ni Mel Castañeda at diabetologist na Dr. Elwyn Fernando na ininsponsoran ng Merck Pharmaceuticals Inc.

May Medical Outreach din sa pamamahala ni Rep. Satur Ocampo, free massages sa mga miyembro at empleyado ng NPC mula sa Natural Health Foundation of the Philippines. Ang Fellowship Dinner at Celebrity Night ay sa alas-8 ng gabi. (Ellen Fernando)

Show comments