^

Bansa

Kaso vs people’s court

-
Posibleng kasuhan ng ‘inciting to sedition’ ang mga taong nasa likod ng Citizen’s Congress for Truth and Accountability o CCTA kapag gumawa ng mga hakbang na magsasapanganib sa pamahalaan.

Sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzalez na imomonitor ng DOJ ang aktibidad ng "people’s court" na itinatag ng CCTA at pinamumunuan ni dating Vice Pres. Teofisto Guingona. Ang nasabing korte umano ang lilitis sa mga kasalanan sa bayan ni Pangulong Arroyo gaya ng election fraud, human rights violations at graft and corruption.

Ayon kay Gonzalez, kung gagawa ng "sedition" actions o pahayag ang CCTA, obligado ang DOJ na magsampa ng kaukulang kaso.

Nilinaw pa ni Gonzalez na ang ano mang gawin o sabihin ng CCTA na magpapaalab ng galit ng taumbayan sa pamahalaan ay maituturing na inciting to sedition.

Gayunman, binigyang-diin ng DOJ chief na hindi papanagutin ang media na mag-uulat sa aktibidad ng CCTA at people’s court dahil ginagarantiyahan ng batas ang press freedom.

"Sa ngayon ay ini-evaluate namin ang ginagawa ng CCTA at ang ano mang aksiyon ng gobyerno ay depende sa kanilang gagawin," ani Gonzalez.

Kamakalawa ay inihain ng CCTA ang "notice of proceedings" para kay Pangulong Arroyo subalit pinunit ng isang Palace official ang naturang subpoena.

Nakatakdang simulan ng people’s court ang unang proceedings nito sa Nobyembre 8. (Grace Dela Cruz)

AYON

CCTA

GONZALEZ

GRACE DELA CRUZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PANGULONG ARROYO

TEOFISTO GUINGONA

TRUTH AND ACCOUNTABILITY

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with