Presyo ng bilihin titiyaking matatag kahit may EVAT Recom
October 27, 2005 | 12:00am
Upang masigurong mababa at rasonable ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng implementasyon ng kontrobersiyal na expanded value added tax (E-VAT), muling binuo ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang Local Price Coordinating Council. Sinabi ni Echeverri na ang pagbubuo ng konseho ay nakasaad sa Section 5 ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 7581 na nagbibigay kapangyarihan sa lokal na pamahalaan at opisyal nito na paganahin ang LPCC bilang coordinating body ng National Price Coordinating Council.
Ang RA 7581 ay nagbibigay proteksyon sa mga mamimili sa pamamagitan ng pagsisiguradong matatag ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin lalo na sa kagipitan. Sinabi ng alkalde na ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa epekto ng presyo ng langis sa ibang bansa at implementasyon ng EVAT ay nagpapahirap sa publiko lalo na sa mga kaunti lamang ang kinikita. Kabilang sa mga trabaho ng council ay makipag-ugnayan sa mga kasaping ahensiya para sa implementasyon ng mga programa para sa matatag na presyo at suplay ng bilihin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest