Cebuana Lhuillier nanguna sa feeding program
October 26, 2005 | 12:00am
Isang feeding program ang pinangunahan kahapon ng Cebuana Lhuillier, sikat na pawnshop sa bansa, sa layuning masugpo ang problema sa nutrisyon ng milyong bata sa bansa.
Base sa nakaraang 6th National Nutrition Survey na isinagawa ng Food and Nutrition Institute (FNRI), mahigit sa 3 milyong paslit sa bansa na may edad 5-anyos pababa ang walang sapat na nutrisyon sa katawan na dahilan ng kahinaan sa eskwela.
Dahil dito kaya nakipagtulungan ang Cebuana Lhuillier kay Regina Embalsado, unit-in-charge ng Caloocan Social Welfare Department na maumpisahan ang feeding program sa Brilliant Day Care Center sa Bagong Silang, Caloocan City, ang nangungunang lugar sa Metro Manila na mayroong pinakamataas na bilang ng malnutrisyon.
Umaabot sa 3,182 bata ang nasa komunidad at nakatakdang mabiyayaan ng proyektong "Ang Galing mo Bata."
Layunin ni Cebuana Lhuillier EVP/GM Jean Henri Lhuillier na maibsan ang problema ukol sa kalusugan ng mga musmos.
Ayon naman kina Feliciano Vizcara, regional manager at Marilyn Valencia, area manager ng pawnshop na nangasiwa sa programa, hindi lang negosyo ang dapat atupagin. "Naniniwala kami na may responsibilidad ang bawat isa sa kanyang lipunang ginagalawan lalo na sa mga maralita at ang programang ito ang magsisimula upang buhayin muli ang pagtitiwala ng mamamayan sa kanilang mga sarili," pahayag ng dalawa. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended