Ayon kay Guingona, layunin ng inilunsad na "Citizens Congress for Truth and Accountability" (CCTA) na magtayo ng "Peoples Court" upang lumabas ang katotohanan sa Hello Garci tape at mga anomalyang kinasasangkutan ng kasalukuyang administrasyon.
"I accept the challenge to lead presidium. Totoo ba o hindi? What is the truth behind the tape but we assure President Arroyo that it will not be a kangaroo court," pahayag ni Guingona.
Dagdag pa ni Guingona na tatalakayin ng Peoples Court ang tatlong isyu na kinabibilangan ng electoral fraud (Hello Garci Tape), political killings at human violations mula ng maupo sa puwesto si Arroyo noong Enero 20, 2001 na kinabibilangan ng summary executions, masaker, arbitrary detention, indiscriminate bombing, Calibrated Preemptive Response (CPR), EO 464 at ang pinakahuli ay corruption na kinabibilangan ng Venable contract, North Rail at Piatco scandal.
Ang kalalabasan ng imbestigasyon ng Peoples Court ay ipapaalam sa pamamagitan ng pagpapakalat nito sa mga eskuwelahan at simbahan at taumbayan na umano ang bahalang magbigay ng hatol.
Ipinagbigay alam din ng nasabing grupo na ang kanilang hearing ay gagawin sa Nobyembre 8 at 9 sa UP Diliman Center for Social Welfare at Nob. 15 at 16 sa University of Makati sa parehong oras na mula alas-9 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon. (Edwin Balasa)