Manhunt sa pulis
October 25, 2005 | 12:00am
Naglunsad ng malawakang manhunt operations ang Cainta police at Eastern Police District (EPD) upang maaresto ang natitirang miyembro ng Doce Pares Gang na si PO1 Joel Tapec na sangkot sa robbery hold-up, kidnapping at pagpatay.
Si PO1 Tapec ay itinurong sangkot sa panghoholdap at pamamaril sa negosyanteng si Enrique Guevarra noong Sept. 14 bandang alas-11 ng tanghali sa Cainta, Rizal. Binaril ni Tapec si Enrique sa hita habang napatay naman ng grupo ni Tapec ang anak ng negosyanteng si Erica Charlene saka tinangay ang P100,000 cash matapos mag-withdraw ang mga ito sa bangko.
Sangkot din ang grupo ni Tapec sa ibat ibang robbery hold-up pati ang pagdukot at pagpatay kay Michael Chan Hong sa Antipolo City.
Ang iba pang miyembro ng Doce Pares Gang ni Tapec na sina PO1 Roel Parana, PO1 Candido Vallejo, PO1 Roger Villarente at PO1 Allan Verano ay pawang naaresto sa isinagawang follow-up operations ng EPD habang si Tapec ang subject ngayon ng massive manhunt operations.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended