NPC kinondena si Sec. Gonzales
October 25, 2005 | 12:00am
Kinondena ng National Press Club (NPC) si Justice Secretary Raul Gonzales dahil sa pagbabawal sa isang mamamahayag na mag-cover sa kanyang tanggapan.
Sa resolution no. 18 ng NPC, kinondena nito ang ginawa ni Gonzales laban kay Manila Times reporter Jomar Canlas na dating pangulo ng Justice Reporter Organization (Juror).
Iginiit ng NPC, ang kagawaran ng katarungan ang kinakatawan ni Sec. Gonzales kaya dapat una siyang nagsusulong ng karapatan ng indibidwal.
Nagalit si Gonzales dahil hindi sinasadyang mai-record ng mga reporters ang pag-uusap nina Gonzales at State Prosecutor Dennis Villa-Ignacio tungkol kay Atong Ang.
Nailathala ni Canlas ang nasabing pag-uusap na ikinagalit ng DOJ chief kaya iniutos ang pagbabawal dito na makapasok sa kanyang tanggapan. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am