^

Bansa

Terminal ng mga barko todo bantay sa Todos

-
Ngayon pa lang ay todo-higpit na ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA) at Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay sa iba’t ibang terminal ng barko sa bansa bilang bahagi ng pagpapatupad ng "stringent security measure" ngayong nalalapit na paggunita sa Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1.

Ayon kay PCG Commandant Rear Admiral Arthur Gosingan, pitong layer ng security ang dadaanan ng isang pasahero bago makaakyat at makasakay ng barko upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito patungo sa kanilang probinsiya.

Bukod pa ang sariling implementasyon ng paghihigpit ng seguridad ng mga may-ari ng barko.

Sinabi ni Gosingan, nagdagdag na rin sila ng K-9 dogs sa iba’t ibang pantalan sa Maynila na siyang aamoy sa dalang bagahe ng mga pasahero upang matiyak na walang makapagsasakay sa barko ng mga ipinagbabawal na "deadly weapons" tulad ng patalim, baril, bala, fire crackers at iba pang uri ng pampasabog.

Mahigpit ding babantayan ng mga "sea marshal" ang mga over-loaded na barko.

Bunsod nito ay pinagpayuhan ni Gosingan ang lahat ng pasahero na maglaan ng dalawa hanggang tatlong oras sa pagtungo nila sa mga terminal upang bigyan daan ang ipinapatupad na mahigit na seguridad.

"Para rin naman sa kanila (pasahero) ang paghihigpit naming ito kaya hinihiling namin ang kanilang kooperasyon," sabi ni Gosingan. (Mer Layson)

vuukle comment

ARAW

AYON

COMMANDANT REAR ADMIRAL ARTHUR GOSINGAN

GOSINGAN

MER LAYSON

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with