Inamin ni dating Pangulong Aquino sa kanyang mensahe kamakalawa na dismayado na siya sa kasalukuyang administrasyon at patuloy pa rin ang kanyang panawagan na bumaba na sa puwesto si Pangulong Arroyo dahil ito lamang aniya ang magpapahupa sa kasalukuyang krisis pulitikal sa bansa.
Tahasan ding sinabi ni Villanueva na pinagsisisihan niya kung bakit niya sinuportahan si Arroyo nang lumapit ito sa kanya at hilinging tumulong upang tuluyang mapatalsik si Estrada sa Malacañang.
Naasar naman ang Malacañang sa mga patutsada nina Cory at Villanueva.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na hindi na dapat nagsasalita pa ang dalawa ng mga ganoong pahayag dahil lilikha lamang ito ng panibagong pagpapalitan ng maaanghang na salita.
"It is regrettable that critics of President Arroyo have failed to heed the call of religious leaders and the people for an end to political bickerings", ani Bunye.
Iginiit ng Palasyo na imbes na makipag-patutsadahan, itutuon na lamang ng Pangulo ang kanyang sarili para sa kinabukasan at pag-unlad ng bansa.