^

Bansa

P1 tax sa text

-
Binara ng Malacañang ang panukala ni Sen. Richard Gordon na patawan ng P1 ang bawat text message sa cellphone para mas maitaas ang koleksiyong buwis na pambayad sa dayuhang pagkakautang ng bansa.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, hindi pa napapanahon ang suhestiyon ni Sen. Gordon at kung ito ay ipagpipilitan ng senador tiyak na papalag dito ang milyong cellphone subscribers at mga kumpanya.

Sinabi ni Bunye na ayaw na ni Pangulong Arroyo na magalit pa lalo ang publiko sa panibagong buwis na kanilang babalikatin lalo pa nga’t sisimulan pa lang ang pagpapatupad ng EVAT sa Nobyembre.

"Ang importanteng ipatupad ay ang existing law. Hindi pa nga tayo nakapagsisimulang makakolekta sa EVAT. Puwedeng ipagpaliban muna ang panukalang ito," pahayag ni Bunye.

Tumanggi naman si Bunye na magkomento sa panukalang ipagpaliban ang EVAT. (Lilia Tolentino)

AYON

BINARA

BUNYE

GORDON

LILIA TOLENTINO

MALACA

NOBYEMBRE

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

RICHARD GORDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with