Ayon kay Sen. Ramon Magsaysay, Jr., chairman ng Senate committee on agriculture and food, tinanggap ni Atty. Antonio Zulueta ang subpoena para kay Bolante kahapon ng hapon sa Westin Philippine Plaza kung saan dumadalo ito sa pulong ng Rotary Club International.
Gayunman, nagkaroon pa ng kaunting komprontasyon ng harangin ng mga staff ng hotel at Rotary Club ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) na maiabot ang subpoena kay Bolante kaya habang nagkokomprontahan ay sinamantala naman umano ni Bolante ang pangyayari at umalis ito sa hotel. Dahil dito, nagbanta si Magsaysay na magsasampa ng kasong obstruction of justice sa naturang hotel at Rotary Club matapos na pagbawalan ang OSAA na maisilbi ang subpoena kay Bolante dahilan para makatakas ito. (Rudy Andal)