Petisyong itigil ang Hello Garci probe, ibinasura ng SC
October 17, 2005 | 12:00am
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na humihiling na patigilin ang imbestigasyon na isinasagawa ng Kongreso sa "Hello Garci" scandal at ang pagpapawalang-bisa sa arrest warrant na inisyu ng House of Representatives laban kay dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Sa resolusyon ng Korte, sinopla nito ang petisyuner na si Jonathan Tiongco, ang nagpakilalang digital audio engineer, sa pagsasabing premature ang reklamo at hindi rin pinapayagan ng batas ang kahilingan na mapawalang-saysay ang warrant of arrest kay Garcillano.
Nilinaw pa ng high tribunal na hindi sila maaaring makialam sa Kongreso sa prinsipyo ng pantay na kapangyarihan ng hudikatura sa lehislatura lalot wala namang nakitang pag-abuso ang Kongreso.
Ibinasura din ang apela ni Tiongco na humihiling na patigilin ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) sa pamumudmod ng "Hello Garci" tapes at pag-aalis sa website ng nasabing recordings. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended