^

Bansa

13 tourist property ng Pinas, for sale

-
Ibinebenta ng Philippine Tourism Authority (PTA) ang 13 tourist property nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang lalong mapaganda ang mga ito at makaakit ng dagdag na mga turista sa mga susunod na taon.

Sinabi ni PTA general manager Robert Dean Barbers na kabilang dito ang mga hotel at beach resort sa Pangasinan, La Union, Cebu, Leyte at Mindanao.

Kabilang rin ang mga hotel sa Banaue kung saan matatagpuan ang sikat na rice terraces at Mt. Province na matatagpuan naman ang mga tagong yungib ng Sagada.

Nangako ang Chamber of Real Estate and Builder’s Associations, Inc. at Housing Urban and Development Coordinating Council na tutulong sa pag-develop sa naturang mga property upang lalong makahikayat sa mga mamumuhunan na bibili sa mga ito. (Danilo Garcia)

BANAUE

CEBU

CHAMBER OF REAL ESTATE AND BUILDER

DANILO GARCIA

HOUSING URBAN AND DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

LA UNION

MT. PROVINCE

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

ROBERT DEAN BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with