Naunang nagtaas ng presyo ang Pilipinas Shell, Caltex at Petron Philippines kamakalawa ng gabi at sinundan ito ng iba pang small players kahapon ng umaga.
Dahil sa nasabing pagtaas ay naglalaro na sa P35.50 kada litro ang presyo ng gasolina sa lokal na pamilihan habang ang diesel ay hindi nagbago sa presyong P32.50 kada litro.
Dahil sa muling pagtaas ay umaabot na sa P10.50 ang itinaas ng presyo ng gasolina ngayong taong ito at inaasahan na aabot ito sa P40 kada litro hanggang sa Disyembre.
Kamakalawa ay nagtaas ng P1 kada kilo sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ang Shell na sinundan ng Caltex. (Edwin Balasa)