^

Bansa

CBCP pumalag na vs GMA

- Ellen Fernando, Danilo Garcia -
Pumalag na rin kay Pangulong Arroyo ang pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos na bombahin ng tubig ang isinagawang protest march ng tatlong obispo ng Simbahan at ni dating Bise Presidente Teofisto Guingona nitong nakaraang Biyernes sa Recto Ave.

Sa isang pahayag ni Archbishop Angel Lagdameo, incoming president ng CBCP, sinabi nito na hindi dapat ginamitan ng tubig ang mga sumama sa prusisyon dahil isa itong krusada para sa "good governance".

"It was a patriotic manifestation of concern for our country because it was a prayer assembly and peaceful procession (and) violent dispersal of the participants was uncalled for and objectionable," ani Lagdameo.

Magugunitang pinatikim ng calibrated preemptive response (CPR) ng pulisya ang nagmartsang mga obispo at madre pagsapit sa San Sebastian College sa CM Recto Ave.

Nagpumilit umanong lumusot sa Mendiola ang grupo kaya napilitan silang gamitan ng water cannon at nadamay pati sina Guingona, Sen. Jamby Madrigal, dating Executive Sec. Oscar Orbos, Rep. Satur Ocampo at Fr. Robert Reyes.

Batay sa napagkasunduan ng pulisya at ng mga organisador ng pagkilos, maaari lamang mag-martsa hanggang sa simbahan ng San Sebastian sa C.M. Recto ang mga kasama sa prusisyon.

Inalis naman bilang deputy ground commander ng anti-riot activities si Supt. Florencio Ortilla na siya umanong nag-utos ng pagbomba ng tubig.

Samantala, iniutos na ni Pangulong Arroyo ang masusing imbestigasyon kung may paglabag ang PNP sa isinagawang dispersal at pagtira ng water cannon sa mga ralista.

ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

BISE PRESIDENTE TEOFISTO GUINGONA

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EXECUTIVE SEC

FLORENCIO ORTILLA

JAMBY MADRIGAL

OSCAR ORBOS

PANGULONG ARROYO

RECTO AVE

ROBERT REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with