^

Bansa

Mga pari ’di sinanto

-
Pinalasap ng Manila Police District (MPD) ang pinakamabangis na CPR (calibrated pre-emptive response) nito sa mga kaparian nang bombahin ng tubig ang hanay ng mga ito dahil sa pagpupumilit na makapasok sa Mendiola kagabi.

Hindi rin sinanto ng water cannon sina dating Vice Pres. Teofisto Guingona, Sen. Jamby Madrigal at dating Executive Sec. Oscar Orbos at pati ang mga ito ay tinira ng mga pulis dahilan para bumagsak sa semento ang ilang matatandang madre at mga militante.

Sumiklab ang kaguluhan dakong 6:45 kagabi nang isang grupo ng mga militante ang kumalas sa kanilang hanay at nagtangkang pumuslit patungo sa Mendiola.

Una rito, nagtipon ang Kilusang Makabansang Ekonomiya (KME) sa Plaza Miranda at nagdasal. Alas-2 ng hapon ng mag-rosary march ang grupo at makarating sa San Sebastian College.

Dala ang imahe ni Birheng Maria at mga sulo ay umusad ang prusisyon patungong San Beda College. Kapansin-pansin na walang dalang placards at streamers ang mga demonstrador. Pagsapit sa San Beda ay nagulat na lamang umano ang mga ralista ng bigla silang tirahin ng water cannon.

Hindi rin nakaligtas sa bagsik ng tubig sina running priest Fr. Robert Reyes at jueteng witness Sandra Cam.

Sinabi ni Guingona na isang malinaw na paglabag sa human rights ang ginawa ng MPD dahil sa walang negosasyon o pag-uusap bago sila binomba ng tubig. "Cleared" na anya ang pagpunta nila sa San Beda at nagtataka siya kung bakit ipinatupad sa kanila ang CPR.

Subalit nagmatigas si NCRPO Director Vidal Querol na hindi patuluyin ang grupo sa Mendiola dahil "no rally zone’ ito at nagbanta na mas matindi pang pagbomba ng water cannon kung igigiit nina Guingona ang kanilang nais.

Patuloy na nakipag-negosasyon sina Orbos at dating Sen. Rene Saguisag kay MPD Director Pedro Bulaong hanggang sa pumayag na lamang sina Orbos na ang mga estudyante sa loob ng San Beda ang lumabas at magtungo sa lamang sa Recto Ave. sa tapat ng San Sebastian upang doon ipagpatuloy ang prayer rally.

Ayon kay Querol, nagkabiglaan lamang nang agad bombahin ng tubig sina Guingona dahil kumalas ang isang grupo ng mga militante.

Ayon naman kay Orbos, dapat magtatagpo sila ng isa pang grupo ng mga estudyante na miyembro ng KME na nagsasagawa ng prayer vigil sa loob ng San Beda. (Danilo Garcia)

AYON

BIRHENG MARIA

DANILO GARCIA

DIRECTOR PEDRO BULAONG

DIRECTOR VIDAL QUEROL

GUINGONA

MENDIOLA

ORBOS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with