^

Bansa

Bishops aklas vs GMA

- Nina Doris Franche at Angie Dela Cruz -
May permit o wala ay lulusob ngayong hapon ang mga obispo sa Mendiola bridge upang samahan ang oposisyon at militanteng grupo para muling igiit ang pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Arroyo.

Ngayon masusubok kung uubra sa mga pari ang calibrated pre-emptive response (CPR) na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) matapos magbanta ang Kilusang Makabansang Ekonomiya na hindi sila yuyukod sa "authoritarian rule" ni Arroyo. Kailangan anyang magsama-sama ang mga Filipino upang kondenahin ang napipintong pagdedeklara ng martial law, pagpapatupad ng CPR sa mga rali at Executive Order 464.

Ang protesta ay pangungunahan nina Bishops Julio Xavier Labayen, ng Infanta; Antonio Tobias, ng Novaliches at Deogracias Iniquez ng Caloocan. Kasama ng 3 obispo sina dating Pangulong Cory Aquino, Susan Roces, dating VP Teofisto Guingona, Sen. Jamby Madrigal, mga madre, mga militanteng estudyate at iba’t ibang organisasyon. Magtitipon ang grupo sa Plaza Miranda Freedom Park at susundan ng rosary procession hanggang San Beda Church at dadaan sa Mendiola.

Binigyang-diin ni Labayen na ang isang mapayapang prusisyon ng simbahan ay hindi na ngangailangan ng permit mula sa pamahalaan. Hanggang kahapon ng tanghali ay hindi pa rin nakakakuha ng permit ang mga madre kay Manila Mayor Lito Atienza.

Ayon sa mga obispo, hindi na nila papayagan pang madagdagan ang mga nagugutom, naghihirap at nasasaktan dulot ng mga karahasan para lamang mapagbigyan ang mga interes ng iilang opisyal ng pamahalaan.

Umaasa sila na ang rally ay magbubuklod sa bawat mamamayang Filipino at sa mga opisyal ng pamahalaan upang mas pagbutihin pa ng mga ito ang kanilang mga tungkulin para sa ikauunlad ng bansa.

ANTONIO TOBIAS

BISHOPS JULIO XAVIER LABAYEN

DEOGRACIAS INIQUEZ

EXECUTIVE ORDER

JAMBY MADRIGAL

KILUSANG MAKABANSANG EKONOMIYA

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MENDIOLA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with