$400M loan sa Northrail, friendship deal
October 9, 2005 | 12:00am
Siniguro kahapon ni Northrail president Jose Cortes Jr. na isang "friendship deal" at hindi isang overpriced agreement ang $400 milyong loan mula sa China para sa Northrail project gaya ng nais palitawin sa UP Law Center report.
Sinabi ni Cortes, nakumbinsi niya ang Export Import Bank of China na gawing 3 percent na lamang ang interest ng ating loan sa halip na 7% na babayaran natin sa loob ng 20 taon at mayroong grace period na 5 taon.
Ayon kay Cortes, pumayag ang Eximbank sa ganitong usapan dahil na rin sa ang nasabing loan na ito ay isang "friendship deal" lamang na naglalayong tulungan lamang ang kaibigang bansang Pilipinas na makapagtayo ng modernong train system.
Iginiit pa ng Northrail president, hindi dumaan sa public bidding ang nasabing proyekto dahil isa itong executive agreement sa pagitan ng China at RP na sinusugan naman ng Office of the Government Corporate Counsel.
"The Northrail project is a frienship deal and the agreement is above-board. Walang overpricing na naganap kagaya ng nais palitawin ng UP Law Center report," paliwanag pa ni Cortes.
Umaasa si Cortes na hindi na mahahaluan ng pulitika ang nasabing proyekto upang masimulan na ang konstruksyon ng nasabing proyekto na siyang mag-uugnay mula Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan hanggang sa Clark, Pampanga.
Sinusuportahan naman ng Pampanga Mayors League at Clark Investors and Locators Association ang Northrail project dahil malaking tulong ito sa pagkakaroon ng mabilis na transportasyon sa Central Luzon at makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyong ito. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am