Pimentel tinawag na kunsintidor
October 8, 2005 | 12:00am
Inakusahan kahapon ng Campaign for Public Accountability (CPA) si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr. ng pagiging "kunsintidor" dahil sa ginagawa nitong pagtatakip kay Makati Mayor Jejomar Binay, pangulo ng United Opposition (UNO) sa pagsasabing "old but discarded charges" ang binubuhay na kaso laban sa alkalde.
Sinabi ni Roberto Brillante, pangulo ng Kalayaan Foundation at convenor ng CPA, sa kanyang liham kay Sen. Pimentel na hindi mga lumang kaso ang nakahaing plunder case laban kay Binay, sa asawa nitong si Elenita, kay city administrator Nicanor Santiago at 4 pang city officials ng Makati.
Wika pa ni Brillante, mali ang naging pahayag ng senador na ginigipit lamang ng Arroyo government si Binay sa pamamagitn ng pagbuhay ng mga lumang kaso dahil sa pagiging oposisyon nito at pagkakaloob ng permit sa mga anti-GMA rallies.
Nilinaw ni Brillante na nasa Ombudsman pa ang kasong plunder, estafa at misappropriations of public funds laban kay Binay, maybahay nito, Santiago at 4 pang opisyal batay sa audit report ng Commission on Audit noong Abril 19, 2002 dahil sa overpricing, ghost deliveries, rigged bidding at falsification of public documents sa maanomalyang pagbili ng hospital equipment sa Ospital ng Makati na nagkakahalaga ng P430.2 milyon.
Bukod dito, kinasuhan din ng CPA ang naturang mga opisyal noong Oktubre 23, 2003 ng grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service batay din sa report ng mga furnitures at kagamitan para sa Makati City Hall. Natuklasan ng COA na overprice ito ng P110 milyon.
Umaasa si Brillante na magiging kaisa ng CPA si Pimentel para labanan ang corruption sa buong bansa kahit na ang magiging sangkot dito ay kasamahan nila sa oposisyon. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended