^

Bansa

Senado kinalampag ng Kamara

-
Sinuportahan kahapon ng mga mambabatas ang panawagan ni Pangulong Arroyo sa mga senador na magtrabaho na at itigil ang walang patutunguhang imbestigasyon sa mga isyu.

Ayon kina House Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin at Davao Oriental Rep. Joel Mayo Almario, nakakalimutan na ng mga senador ang kapakanan ng taumbayan hinggil sa mga ipinasang panukala ng Kamara dahil sa halos araw-araw na imbestigasyong ginagawa nito para lamang makuha ang pansin at atensiyons ng media.

Naniniwala ang mga kongresista na ang pagkahilig ng Senado sa walang katapusang pagsisiyasat ang kumakain ng oras ng mga senador sa halip na atupagin ang paggawa at pagpasa ng mga batas.

Ipinagdiinan pa ni Almario na libo-libong mamamayan sa kanyang distrito ang naghihintay na mapagtibay ang pagtatayo ng mga paaralan sa kanilang barangay at iba pang serbisyong pampubliko.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 260 local at 25 national bills ang ‘inaamag’ na sa mga mesa ng mga senador.

Mahigit isang taon na lamang ang nalalabing termino ng Kongreso pero mabibilang sa daliri ang napagtibay na panukalang batas. (Malou Rongalerios)

ALMARIO

AYON

DAVAO ORIENTAL REP

HOUSE DEPUTY SPEAKER

IPINAGDIINAN

JOEL MAYO ALMARIO

MALOU RONGALERIOS

MINDANAO GERRY SALAPUDDIN

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with