Sinampahan ng kasong conspiracy at acting as unregistered foreign agent ng US Federal Prosecutor si Aquino, 39, na may parusang pagkakulong ng hanggang 10 taon. Una nang kinasuhan sa New Jersey si Aragoncillo ng pang-eespiya sa White House sa Washington D.C.
Ang naturang dokumento ay ginamit umano ng mga kalaban sa pulitika ni Pangulong Arroyo upang patalsikin ito sa puwesto.
Nabatid na nagtrabaho si Aragoncillo sa White House mula 1999-2001 at nakatalaga sa opisina ni Vice President Dick Cheney. Binigyan si Aragoncillo ng 60-araw para makipag-plea bargain.
Nabatid na may kaugnayan si Aragoncillo sa isang Fil-American group sa US na sumusuporta sa pagpapatalsik kay Arroyo sa Pilipinas.
Nag-umpisang magtrabaho sa FBI base sa Fort Monmouth, New Jersey si Aragoncillo noong Hulyo 2004 at nagsimula ring magpadala ng mga classified documents nitong Enero 2005.
Mula Mayo hanggang Agosto 15, taong ito, umaabot sa 101 highly classified documents ang naimprenta ni Aragoncillo, 37 dito ay kinokonsiderang "sikreto". Natuklasan na ipinadala ang naturang mga dokumento kay Aquino na nakatira naman sa New York.
Kapwa naaresto sina Aquino at Aragoncillo nitong Setyemrbe 10 at hindi pinayagang makapagpiyansa. (Danilo Garcia)