Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang mga bik-tima na sina Amalia Policarpio, 35 at mga anak na sina Phosique, 13; Kasuque, 8 at 9-buwang anak na babae na si Danica.
Base sa report, nadatnan ni Danilo Policarpio ang kanyang misis at tatlong bata sa loob ng kuwarto pag-uwi niya mula sa kanyang trabaho nitong Huwebes. Nakatira ang mga biktima sa Saitama Prefecture.
May tama ng malalalim na saksak sa leeg at dibdib ang tatlong bata na indikasyon umanong tulog ang mga ito ng patayin.
Kaduda-duda naman at naging mala-king palaisipan sa Tok-yo Police ang natagpuang suicide note ni Amalia na nakasaad na hindi na umano nito makayanan ang pagpapalaki sa kanyang mga anak dahil sa hirap ng buhay at dami ng utang.
"I will bring my children with me so that they wont have to cry," nakasaad sa note na nasa tabi ng kanyang bangkay.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Japanese police kung may "foul play" sa insidente dahil unang lumalabas na "murder-suicide" ang insidente.
Sinasabi na posibleng unang pinatay ng ginang ang kanyang tatlong maliliit na anak saka naman siya nagsaksak sa sarili.
Ang nasabing Pinay ay hiwalay sa kanyang asawang Hapon.
Ang dalawang anak na lalaki ni Amalia ay mga Japanese nationals.
Posibleng ipasailalim sa pagsisiyasat ang mister nitong si Danilo. (Ellen Fernando)