SMEs suportado ni Miriam

Sinusuportahan ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang maliliit at katamtamang laking industriya o small and medium enterprises (SMEs). Sinabi ni Santiago na ang SMEs sa Pilipinas ay sumasaklaw sa mahigit sa 60 porsiyento ng buong puwersa sa paggawa at siyang gumagatong sa gawaing pangkabuhayan. Hindi man kasing-taas ng mga higante sa ekonomiya, pero ito ang tumatayong galugod ng ating ekonomiya. Ayon kay Henry G. Bablera, isang kilalang art at antique dealer sa Southeast, ang 10 "pro-poor" program ni Presidente Arroyo ay makabubuti sa mga maliliit at katamtamang laking negosyante kaya naman inaanyayahan niya ang mga ito na lumahok sa "12th Philippine Gifts, Toyz, Housewares & Christmas Decors Fair" na idaraos hanggang Nob. 4 sa Greenhills Shopping Complex. Ang 29-araw na exhibit ay inorganisa ng Prime Asia Trade Planners & Convention Organizers (PATEPCO).

Show comments