Nainis si Bunye matapos ang halos sunud-sunod na pagtatanong ni Golez kaugnay sa "Hello Garci" tapes.
Ayon naman kay Golez, si Bunye ang pinagmulan nang kalituhan sa "Hello Garci" dahil ito ang nagprisinta sa Malacañang ng dalawang bersiyon ng tapes.
Pero sinabi ni Bunye bago mag-walkout na tapos na ang nasabing isyu at ayaw niyang maging bahagi ng grandstanding ni Golez.
"The line of questioning of Cong. Golez was a continuation of the failed impeachment. I objected to that because it was a disguised impeachment," sabi ni Bunye.
Inamin nito na nag-overreact siya dahil sa linya nang pagtatanong ni Golez. Nang mag-resume ang budget hearing ay kinamayan ni Bunye si Golez.
Bago ang walkout ni Bunye ay tinanong din ito ng ilang miyembro ng komite kung may basbas ni Pangulong Arroyo ang pagpunta sa budget hearing dahil sa Executive Order 464 na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa anumang Congressional inquiries ng hindi nagpapaalam sa Pangulo.
Hindi na sinagot ni Bunye ng nasabing tanong dahil agad na iginiit ng ilang maka-administrasyong kongresista na hindi sakop ng EO 464 ang pagdalo sa budget hearing. (Malou Rongalerios)