^

Bansa

Aktibong opisyal ng AFP bawal makipag-usap sa retired generals

-
Pinagbabawalan umano ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga aktibo nitong opisyal na makipag-usap sa mga retiradong heneral na nasa likod ng destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Ayon sa ilang mga division, brigade at battalion commanders, ang direktiba ay ipinalabas ni AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga. Natatakot umano ang AFP ba mabuyo ang mga commanders na sumama sa pag-aaklas sa gitna na rin ng umiinit na namang isyu ng kudeta. Pinaalalahanan ni Senga ang mga aktibong opisyal na manatiling tapat sa Chain of Command at Konstitusyon ng bansa.

Kabilang sa mga retired generals na kilalang kontra sa gobyerno sina ex-Defense Sec. Fortunato Abat, ex-Phil. Constabulary-Integrated National Police (PC-INP) Commander ret. Gen. Ramon Montaño, ret. Navy Commodore Rex Robles at ex-AFP Chief of Staff ret. Gen. Joselin Nazareno. (Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHAIN OF COMMAND

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF GEN

CONSTABULARY-INTEGRATED NATIONAL POLICE

DEFENSE SEC

FORTUNATO ABAT

GENEROSO SENGA

JOSELIN NAZARENO

JOY CANTOS

NAVY COMMODORE REX ROBLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with