Agua oxinada ginagamit na steroids ng mga atleta

Ginagamit na ngayon ng mga atleta bilang pampalakas o ‘performance-enhancing steroids’ ang agua oxinada na kilalang panlinis sa mga sugat.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos kasabay ang panawagan sa Philippine Olympics Committee (POC) na magpatupad ng mahigpit na standards sa pagpapatupad sa anti-doping measures sa nalalapit na SEA Games sa Nobyembre.

Pinaiimbestigahan ni Marcos kung kabilang ang mga Pinoy sa mga Asian athletes na gumagamit ng agua oxinada bilang steroids. May mga kaso umano sa Amerika kung saan nakita sa ihi at blood samples ng mga atleta ang significant amount ng hydrogen peroxide. Posible aniyang malagay sa panganib ang mga atleta na iinom o magtuturok nito dahil isa itong chemical compound, bagaman at sinasabi ng mga oxymedicine promoters na ang hydrogen peroxide ay maituturing na ‘miracle cure’ para tumors, cancers, AIDS at iba pang sakit. (Malou Rongalerios)

Show comments