Bullet proof vests sa mga witness, giit

Sa kabila nang kakulangan sa budget ng gobyerno, humiling kahapon ng pondo ang Department of Justice sa House committee on appropriations para ipambili ng body armor na ipasusuot sa mga itinuturing na "high risk" na testigo na nasa ilalim ng pangangalaga ng ahensiya.

Nakapaloob sa P5.2 bilyong panukalang budget ng DOJ para sa 2006 ang P5 milyong ipambibili ng bullet proof vests para sa mga witness at high-powered firearms ng mga bodyguards.

Sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., chairman ng komite na mahalaga ang nasabing kagamitan bilang proteksiyon ng mga saksi.

Maglalaan din ang ahensiya ng P5 milyon para sa mga bagong sasakyan at communication equipments. (Malou Rongalerios)

Show comments