Ipinalabas ni Judge Rizalina Capco-Umali ng Mandaluyong Regional Trial Court- Branch 212 ang arrest warrant laban kay Villanueva at iniutos na maglagak ng P40,000 piyansa.
Ang kasong estafa laban kay Villanueva ay nag-ugat sa pagsasampa ng kaso ng isang Benito Araneta dahil sa umanoy "pandaraya" sa kanya sa pamamagitan ng pagpasok sa isang kontrata sa Zoe Broadcasting Network Inc. na ino-operate ng Channel 11.
"Villanueva, chairman and pres. of Zoe, "willfully, unlawfully and feloniously made it appear" that he could legally enter into contract with his company, Enterntainment Network Ltd. (Enternet) despite the fact that Zoe had a similar agreement with Vintage Television Corp.," ani Araneta.
Aniya, binayaran niya si Villanueva ng P15 milyon para sa joint venture agreement na nilagdaan noong Marso 2001 at Hunyo 15, 2001 para sa paglipat ng operasyon at pamamahala ng Channel 11 sa kanyang kumpanya. Ang Zoe at VTV Corps. agreement ay nilagdaan noong Feb. 28, 1999. (Ellen Fernando)