^

Bansa

Bro. Eddie aarestuhin

-
Nahaharap sa pag-aresto si Jesus Is Lord (JIL) leader Bro. Eddie Villanueva matapos na magpalabas ng "warrant of arrest" ang korte sa kasong estafa na isinampa ng isang negosyante hinggil sa joint television venture agreement.

Ipinalabas ni Judge Rizalina Capco-Umali ng Mandaluyong Regional Trial Court- Branch 212 ang arrest warrant laban kay Villanueva at iniutos na maglagak ng P40,000 piyansa.

Ang kasong estafa laban kay Villanueva ay nag-ugat sa pagsasampa ng kaso ng isang Benito Araneta dahil sa umano’y "pandaraya" sa kanya sa pamamagitan ng pagpasok sa isang kontrata sa Zoe Broadcasting Network Inc. na ino-operate ng Channel 11.

"Villanueva, chairman and pres. of Zoe, "willfully, unlawfully and feloniously made it appear" that he could legally enter into contract with his company, Enterntainment Network Ltd. (Enternet) despite the fact that Zoe had a similar agreement with Vintage Television Corp.," ani Araneta.

Aniya, binayaran niya si Villanueva ng P15 milyon para sa joint venture agreement na nilagdaan noong Marso 2001 at Hunyo 15, 2001 para sa paglipat ng operasyon at pamamahala ng Channel 11 sa kanyang kumpanya. Ang Zoe at VTV Corps. agreement ay nilagdaan noong Feb. 28, 1999. (Ellen Fernando)

vuukle comment

ANG ZOE

BENITO ARANETA

EDDIE VILLANUEVA

ELLEN FERNANDO

ENTERNTAINMENT NETWORK LTD

JESUS IS LORD

JUDGE RIZALINA CAPCO-UMALI

MANDALUYONG REGIONAL TRIAL COURT

VILLANUEVA

VINTAGE TELEVISION CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with