DH ipagtatanggol ng HK gov’t vs abusadong amo

Pinapurihan ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas ang hakbang ng pamahalaan ng Hongkong na protektahan ang mga dayuhang domestic helper kabilang na ang mga Pilipina laban sa mga abusadong mga employer.

Ito’y matapos na susugan ng HK Labor Department ang isang employment ordinance upang maitaas ang maximum penalty sa mga employer na hindi nagbibigay ng nakatakdang suweldo sa mga DH.

Base sa bagong policy, magbabayad ng HK$350,000 at maaaring makulong ng 1 taon-3 taon ang isang employer na mapapatunayang lumabag.

Nakatakdang magpa-seminar ang HK gov’t para sa mga DH upang maintindihan ng mga ito ang tradisyon at kultura ng bansa upang maiwasan na maabuso ng kanilang mga amo.

Sa opisyal na rekord ng DOLE, umaabot sa 180,000 Pinoy workers sa HK, 80% ay mga domestic helper. (Danilo Garcia)

Show comments