^

Bansa

Bitay pinalulusaw

-
Nagkaisang hiniling kahapon sa pamahalaang Arroyo ng grupong Philippine Alliance of Human Rights Advocate (PAHRA) at Mamamayang Tutol sa Bitay Movement (MTBM) na tuluyang ibasura ang Death Penalty Law o RA 7659.

Layunin ng dalawang grupo na mapasama ang Pilipinas sa mga kalapit na bansa na nag-alis ng parusang kamatayan, kasabay na rin ng paggunita ng ikatlong araw na pandaigdigang pagdiriwang laban sa death penalty.

Kabilang sa mga bansang inalis ang parusang bitay ay ang kanlurang Europa, Africa, Asia Pacific, Latin America at ang pinakahuli ay ang Mexico na pinawalang bisa ang parusang kamatayan nitong Abril 2005, ayon sa record na naitala ng grupong PAHRA.

Sa ngayon ay may kabuuang 120 bansa sa mundo ang nag-alis na ng parusang bitay.

Sa panig ng MTBM, Dios lamang ang may karapatang bumawi ng hiram nating buhay, kaya walang karapatan ang sinumang tao na pangunahan ang Maykapal.

Naniniwala ang dalawang grupo na kakatigan sila ng gobyerno dahil simula ng manungkulan si Pangulong Arroyo ay hindi pa nito ipinatutupad ang Death Penalty Law at puro reprieve ang ginagawa nito na nagpapakita lamang umano na mahalaga sa kanya ang buhay ng bawat tao. (Mer Layson)

ABRIL

ASIA PACIFIC

BITAY MOVEMENT

DEATH PENALTY LAW

DIOS

LATIN AMERICA

MAMAMAYANG TUTOL

MER LAYSON

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with