Sinabi ni Philippine Tourism Authority (PTA) general manager Robert Dean Barbers na binubuhay nila ngayon ang paggamit ng kalesa upang lalong makapanghikayat ng mga turista.
Nakapanghihinayang umano na napabayaan na ang dating pangunahing uri ng transportasyon natin dahil sa pagdagsa ng mga de-gasolinang sasakyan.
Ngunit dahil sa napakataas na presyo na ng langis, inaasahan ng PTA na muling babalik ang mga Pilipino sa pag-aalaga ng mga kabayo at pagbiyahe ng mga kalesa.
Ang naturang proyekto ay pagsusog ng PTA sa programa ng MMDA na paggamit naman ng bisikleta.
Inaasahan ng DOT na muling kakalat sa bansa ang pagbuhay sa kalesa matapos na magpahayag ng pakikiisa ang mga lalawigan ng Ilocos Sur, Pangasinan, Pampanga, Laguna, Zamboanga, Davao, Bohol, Tagaytay City at Tacloban City. (Danilo Garcia)