^

Bansa

Kalesa palalakasin vs krisis sa gasolina

-
Palalakasin ng pamahalaan ang paggamit ng mga Pilipino ng tradisyunal na kalesa bilang sagot din sa nararanasang krisis sa presyo ng langis sa bansa.

Sinabi ni Philippine Tourism Authority (PTA) general manager Robert Dean Barbers na binubuhay nila ngayon ang paggamit ng kalesa upang lalong makapanghikayat ng mga turista.

Nakapanghihinayang umano na napabayaan na ang dating pangunahing uri ng transportasyon natin dahil sa pagdagsa ng mga de-gasolinang sasakyan.

Ngunit dahil sa napakataas na presyo na ng langis, inaasahan ng PTA na muling babalik ang mga Pilipino sa pag-aalaga ng mga kabayo at pagbiyahe ng mga kalesa.

Ang naturang proyekto ay pagsusog ng PTA sa programa ng MMDA na paggamit naman ng bisikleta.

Inaasahan ng DOT na muling kakalat sa bansa ang pagbuhay sa kalesa matapos na magpahayag ng pakikiisa ang mga lalawigan ng Ilocos Sur, Pangasinan, Pampanga, Laguna, Zamboanga, Davao, Bohol, Tagaytay City at Tacloban City. (Danilo Garcia)

BOHOL

DANILO GARCIA

DAVAO

ILOCOS SUR

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

PILIPINO

ROBERT DEAN BARBERS

TACLOBAN CITY

TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with