Sa panig ng Ateneo class sa pangunguna ni Greggy Araneta III, nangako ito na magpapatayo ng mahigit 600 unit ng kabahayan na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa, samantalang ang Gawad Kalinga ay nakapagpatayo na ng mga low-cost housing unit hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba pang panig ng bansa.
Sinabi ni Araneta na ang kompanyang Araneta Properties ang magiging daan pa sa iba pang Atenista na magbigay ng suporta sa proyektong maglalaan ng permanenteng tahanan sa mga residente ng Pangarap.
Aniya, ang bawat Pilipino ay kailangan na magkaroon ng isang disente at maayos na tirahan na masasabi nilang pag-aari.