^

Bansa

Gawad Kalinga, Ateneo Class ’66 nagkasundo sa pabahay

-
Nagkasundo ang Gawad Kalinga Foundation at Ateneo Class ’66 na magtayo ng mahigit 3,000 low-cost housing bilang tugon sa karahasang naganap sa Pangarap Village, Brgy. Makatipo, Caloocan City kamakailan.

Sa panig ng Ateneo class sa pangunguna ni Greggy Araneta III, nangako ito na magpapatayo ng mahigit 600 unit ng kabahayan na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa, samantalang ang Gawad Kalinga ay nakapagpatayo na ng mga low-cost housing unit hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba pang panig ng bansa.

Sinabi ni Araneta na ang kompanyang Araneta Properties ang magiging daan pa sa iba pang Atenista na magbigay ng suporta sa proyektong maglalaan ng permanenteng tahanan sa mga residente ng Pangarap.

Aniya, ang bawat Pilipino ay kailangan na magkaroon ng isang disente at maayos na tirahan na masasabi nilang pag-aari.

ANIYA

ARANETA

ARANETA PROPERTIES

ATENEO

ATENEO CLASS

CALOOCAN CITY

GAWAD KALINGA

GAWAD KALINGA FOUNDATION

GREGGY ARANETA

METRO MANILA

PANGARAP VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with